Thursday, August 25, 2011

Shet. Pagod ako.

tatlong linggo na akong dire-diretcho. nakakapagod. Sa ganitong mga panahon ko nararamdaman ang hirap. pero no choice. Sana hapi-go-laki nalang ako. nakakapagod ang ginagawa ko, napakasarap mag reklamo. pero walang choice. kelangan. kaya ko to.

Nakakapag blog ako. buti pa kase ang notepad at keyboard. pinapakinggan ka ng walang reklamo. tinatanggap kahit Sh*t o P**a na ang sinasabi mo. Di gaya mo.

taon mula ngayon, pag nabasa ko to, maaalala kong na exhaust ako. sa lahat ng aspeto. alam mo na yun.

Monday, August 22, 2011

Small Details

Walang maliit na hindi nakakapuwing. Cliche. walang kwenta. pero sa tingin ko, higit sa pag puwing sa mata mo ng maliliit na bagay, may mga detalye tayong hindi nauunawaan.

Katulad nalang ng tuwing mananalo ka sa kontes. Palagi na lamang na yung saya mo ang iniisip mo kase nga, minsan ka lang manalo. pero sakabila nito ang mga pagkataong nasisira, naaapektohan o ang pagkawala ng bilib sa sarili ng ibang tao. Kung ganito ang iisipin mo, magiging masaya ka pa kayang manalo?

Mayroon ding mga bagay na sa sobrang saya mo, dahil sa wakas ay mayroon ka nang bagong sapatos, nakakalimutan mong higit sa apatnapung milyong pilipino ang hindi parin maayos ang tsinelas na dumadagdag sa tatlumpu't isang pursyento ng mga pilipino na masaya ng makabili lamang ng isang pares ng tsinelas. (Datos mula sa kathang isip)

Ang mga pulitiko, masiyang-masiya na nakapag pasa sila ng napaka gandang batas ngunit sa kabila din naman noon, ay mga tao na mawawalan ng tong-pats sa mga proyekto na dapat meron sila. O kaya naman, ang mga mawawalan ng siesta sa bawat tanghali dahil sa patong-patong na responsibilidad na nailalagay sa kanila.

Meron din naman kahit sa pamilya. magkakaroon ka ng isang magandang opportunidad na makapagtrabaho sa kung saan mo gusto, pero sa kabila nito ang mawawalang oras na sana, kasama mo ang mga mahal mo sa buhay.

Kung iisipin mo nga naman, mayroon nga bang masaya? kung ito rin naman ang nagiging dahilan kung bakit mayroong mga tao na walang tiwala sa kanilang sarili? mga taong naiiwanan at walang choice kundi matutunan ang mabuhay ng mag-isa?

Wala nalang dapat emosyon. steady lang. para walang basag trip. walang epal at walang masama ang ugali. walang panalo, walang talo. walang magaling, walang bobo. walang adminitrasyon at walang opposisyon. walang aso, walang pusa (?).

badtrip kung iisipin. pero gaya nga ng pag aksaya ko sa kuryente sa pag gawa ng post na ito, ang bill ng kuryente parin ang may huling halakhak. habang ako, patuloy na magtatrabaho para kitain ang perang ipambabayad ko sa mga ito na nagsimula sa pag-putol ng pusod ko, hanggang sa pag tabon ng lupa sa kahong bilini ng mga kaanak mo sayo.

Shet.

Sunday, July 3, 2011

Intra slash personal slash communication dot









Uy! Kamusta?

k: HAHA! okay naman! baket?

WALA! HAHAHAHA!

k: WAHAHAHA! Lul! Bakit nga?!??

Ang inet no?

k: OO! pota grabe ang inet! parang kahit umuulan, ganun padin!

Sibanabi mo! naka ilang ligo na nga ako eh! mainit padin! ikaw?

k: Ganun padin! isang ligo lang. Baka naman HOT SHOWER ang ligo mo? HAHA!

Onga! pano mo nalaman?

k: E tanga ka pala eh! talagang maiinitan ka! HAHAHA! boplogs ka gagu!

SALAMAT

k: no prob! kamusta nga pala? anong mga ginagawa?

Wala

k: di nga! wag ka ng magtampo pota to oh!

hehehe! loko lang! asa naman! ayus naman! ikaw ba? ganun padin ba?

k: OO! ganun padin! never worst, never better! haha!

HAHA! ayus yun ah! normal lang?!?? hahahaha!

k: kuha mo! hahaha! =D pota ano bang pinaguusapan naten?

HAHA! wala! ubos oras lang! baket? ayaw mo ko kausap?

k: di naman! Enjoy nga eh! HAHAHA! baliw ampota!

hahaha! lolz! kaya nga tayo naguusap eh! kase baliw tayo!

k: HAHAHAHAHA!

HAHAHAHA!

k: WAHAHAHA!

WUHAHAHAHA!!

k: WOOOOOO!!!!

ZZZZZZZZZZzzzzzzzz.

k:?!???!??

<5 mins>

OOPS! sorry! hehehe naantok kase ako eh.

k: Tinulugan mo ko?!??

di! nakatulog ako! hahahaha!

k: tangna ka bastus!

hahaha! sorry!

k: k

k what?

k: k! as in OKAY

ahh. kala ko k as in ...

k: LUL! bakit naman yun!

HAHAHA! Flight of ideas pre!

k: hahaha! pota wag mo ko isama sa mga kalokohan mo!

HAHAHA! lul! mas marami kang kalokohan!

k: Sino nagsabi sayo?

Ako. HAHAHA!

k: Asa! hahaha!

HAHAHA!

k: teka, anong oras na? pucha wala kang kwenta kausap!

gabi na! hahaha! wala padin tayong napaguusapan! HAHAHAHA!

k: HAHAHAHA! Onga no! shet! haha!

HAHAHA! galing mo talaga!

k: I know! hahaha! shet. sige! logtu na ako!

Okay! Babayu!

k: Babay!


asterisk asterisk asterisk E dot N dot D dot asterisk asterisk asterisk

Thursday, June 16, 2011

PASADO.


Ilang araw bago sumapit ang itinakdang oras ng aking pag tanda - SAWAKAS ay nakuha ko na din ang inaasam na MPH Degree na dugo't pawis ko ang ipinuhunan.

SO WHAT COCONUT?

wala lang! hehehe ganun lang pala yon pota! mas masarap pala pakiramdam ko ngayon wala na akong aaraling kung ano-anong shit!

A.Y.O.K.O.N.A.M.A.G.A.R.A.L. Period.

Thursday, May 26, 2011

Transfer Station

kapag masyadong malayo ang dumpsite, ang mga basura ay kadalasan dinadala sa isang transfer station. Mas magastos kase sa krudo kung pipiliting indeliver direkta sa landfill.

Excited na ako sa nalalapit na construction ng transfer station sa buhay ko. mas madaming basura, mas madaming transfer station. Labo diba?

May 2011 - will HOPEFULLY (Fingers crossed, eyes closed, shaking, praying) finish my masters.

June 2011 - Birthday ko (lol)
Ground breaking ng bagong langfill - pero temporary lang para sa mas sanitized na area for garbage decomposition.

Will be back after may 3o.

Wala akong maisip na magandang entry. puro kase rates, ratios at kung ano-ano pang shit ang nasa utak ko ngayon!

Friday, May 20, 2011

Lag Phase

I will X another milestone. For now, I'll see you soon.

Please pray that May 30 would be the best day of this year!

Sana naman, para saakin na ito.

no more frustrations, no more what ifs, no more next year. It's just now.

Wish me luck!

Friday, March 25, 2011

Earth Hour 2011



Let's KICK OFF GREEN HOUSE GASES!

Save the world while we still can.

its Basura time!